^

Police Metro

Ex-kagawad todas sa Cavite ambush

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating barangay kagawad na sakay ng kotse ang patay makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Brgy. Salinas 1, lungsod ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Eleuterio Calilung III, nasa hustong gulang, dating kagawad at residente ng Brgy. Salinas 2, ng nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon ng Bacoor City Police, dakong alas-5:21 ng hapon habang pauwi na sa kanyang tirahan ang biktima at sakay ng kaniyang Honda Civic na may plakang XBK510 nang maganap ang pananambang pagsapit nito sa nasabing lugar.

Nabatid na binuntutan hanggang sa dikitan ng isang itim na Honda Beat motorcycle na may sakay na dalawang armadong lalaki ang sasakyan ng biktima habang bumabagtas sa lugar at agad siyang pinagbabaril.

Nang makitang napurahan ang target, agad na sumibat ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon,

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with