^

Police Metro

‘Real property valuation reform bill’ handa na sa lagda ni Marcos – Salceda

Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na para sa lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang prayoridad na panukalang batas na naglalayong repormahin ang sistema ng pagtatasa ng akmang halaga at buwis ng mga ‘real property’ o ari-arian gaya ng lupain, bahay, gusali, makinarya at mga katulad nito sa bansa, matapos ratipikahin ng Senado at Kamara ang ‘bicameral conference committee report’ nito kamakailan.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman at may-akda ng panukala sa Kamara, matagumpay nilang naisaayos at napagsanib ang hindi magkakatugmang mga probisyon ng House Bill 6558 at Senate Bill 2386 na ngayon ay kilala na pangalang ‘Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).’

Ipinaliwanag ni Salceda na layunin ng RPVARA na suportahan at isulong ang pangmatagalang pagsisikap ng pamahalaan sa pananalapi sa pamamagitan na isang makatwirang ‘Schedule of Market Values’ na magiging batayan ng tamang pagtatasa ng buwis sa mga lupain, bahay, makinarya at iba pang ‘real property,’ at pagbalasa sa ‘Bureau of Local Government Finance (BLGF)’ ng Kawanihan sa Pananalapi na magkakaroon ng sariling ‘Real Property Valuation Service.’

Kasama sa pagpapahusay ng sistema nito ang paglikha ng isang ‘Real Property Information System’ na magkakaroon ng ‘an up-to-date electronic database’ ng mga datos sa bentahan, palitan, sangla, pagpapaupa, donasyon, paglipat at iba pang mga transaksiyon at deklarasyon kaugnay sa ‘real property’ sa bansa.

Binigyang diin ni Salceda na layunin din ng panukalang batas ang pagpapatupad ng isang patas at makatwirang ‘valuation standards’ o mga pamantayan sa pagtasa sa halaga at buwis ng mga pag-aaring ‘real property’ para isulong ang katapatan sa mga transaksyon at makuha ang tiwala ng mga mamumuhunan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with