^

Police Metro

Marcos tinawanan ang isyu na kasama sa PDEA drug list

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tawa lamang ang isinagot ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan kasama umano ang pangalan nito.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Pasay City, hindi nagkomento ang Presidente nang matanong na kasama umano sila ng aktres na si Maricel Soriano sa drug list.

Matatandaan na sa pagdinig ng senado, sinabi ni dating PDEA intelligence officer Jonathan Morales na kasama ang dalawa sa listahan na sangkot sa illegal na droga.

Subalit, agad itong pinabulaanan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo at sinabing non-existent ang listahan.

Sinabi pa ni Lazo na walang basehan ang mga alegasyon ni Morales.

Ayon pa kay Lazo, hindi dapat na umasa ang Senado sa pahayag ni Morales na nakasuhan ng perjury dahil sa pagtatago ng impormasyon na natanggal na siya sa Philippine National Police nang mag-apply sa PDEA.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with