^

Police Metro

4 katao todas sa motorsiklo

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 katao todas sa motorsiklo
File photo of motorcycle accident.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Apat katao na sakay ng kanilang mga motorsiklo ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa Tondo, Maynila at Quezon City.

Sa Tondo, Maynila nasawi ang rider na si Richard E. Rivera habang inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng angkas nitong lalaki.

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente alas-12:20 ng mada­ling araw sa kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd, kanto ng Jacinto Street, Vitas, Tondo.

Nabatid na minamaneho ni Rivera ang kanyang Yamaha Sniper at angkas ang isang lalaki habang binabagtas naman ng tractor head na may trailer at plaka na NGL 7164 na minamaneho ng isang alias Wakray ang northward ng Mel Lopez Blvd.

Pagsapit sa kanto ng Jacinto St., ay bumagal ang takbo upang bigyan daan ang isang pedestrian na tumatawid sa kanyang harapan.

Dito na bumangga ang rider sa kanang harapang bahagi ng truck at dahil sa malakas na impact ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo na nag­resulta ng agaran nilang pagkamatay.

Sa Quezon City, idineklarang dead on arrival ang mga biktimang sina Gilbert Amante Edullantes, 42, at Eduardo Delgado, 50 ng Bernardino St. Guadalupe Viejo, Makati City.

Sa imbestigasyon ng District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 3, nangyari ang aksidente, ala-1:30 ng mada­ling araw sa Katipunan Avenue (Southbound) Brgy. UP Campus, Que­zon City nang bumangga sa concrete center island at tumilapon sa kabilang bahagi ng Katipunan Ave­nue ang minamanehong Honda CFT125 ni Edullantes.

Samantala, alas-10:00 ng gabi nitong Linggo nang mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong Honda Beat na may holder number NPDL-N03-18-014509 ang biktimang si Delgado sa East Ave., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Bumagsak ito sa kalsada at nagulungan naman ng isang Isuzu delivery van na minamaneho ni Danny Toling Nestonis, 60.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with