^

Police Metro

Luzon grid isinailalim uli sa yellow alert

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling isinailalim kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa yellow alert dahil sa nananatiling nasa forced outage ang higit 15 planta ng kuryente.

Ayon pa sa NGCP, ang peak demand para sa grid ay nasa 13,714 megawatts, ngunit ang available capa­city ay nasa 15,167 megawatts lamang.

Ang yellow alert ay ibinibigay kapag ang ope­rating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid.

Matatandaan na ilang linggo nang naglalabas ng babala ang NGCP tungkol sa manipis na reserba ng kuryente.

Noong nakaraang linggo, inamin ng Department of Energy (DOE) na ang sitwasyon ng kuryente ay umabot na sa “crisis levels”.

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with