Kamara tutulong sa mga distrito na apektado ni super typhoon Pepito
MANILA, Philippines — Maglalabas muli ng pondo ang House of Representatives para sa mga lugar o distrito na nasasakupan ng mga miyembro nito na tinamaan ng bagyong Pepito.
Ayon kay House Speaker Martin Romuadez, na inaantay lang ang report ng kanilang mga miyembro at kung magkano ang pinsala sa kani-kanilang mga lugar para makapagpalabas ng pondo para sa mga biktima ng dumaang bagyo.
“Of course yung pondo na ibibigay natin ay para doon sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at siyempre yung para sa pangkain ng mga pamilya dahil maaring nawalan sila ng hanapbuhay dahil sa bagyo,” pahayag ni Romualdez.
Inaasahan na ngayong araw ay magsusumite na ang mga miyembro ng Kongreso na ang mga lugar ay dinaanan ng bagyong Pepito ng kanilang mga request for financial assistance para sa mga constituents nila.
Ayon sa mga naunang balita, lubos na apektado ang Bicol region kung saan pumasok ang bagyong Pepito noong weekend at nagdulot ng pinasala na naman doon.
- Latest