^

Police Metro

Catanduanes pinadapa ni ‘Pepito’

Jorge Hallare - Pang-masa
Catanduanes pinadapa ni ‘Pepito’
Ilan lang ito sa mga bahay na winasak ng bagyong Pepito sa Virac, Catandua­nes, kahapon.
MDRRMO, Catanduanes

MANILA, Philippines — Pinadapa ng bagyong Pepito ang mga bahay at establisimiento at kabuhayan ng mga residente ng Catanduanes.

Hanggang kahapon ng hapon ay wala pang ulat na natatanggap ang Office of Civil Denfense 5 sa pangu­nguna ni Regional Director Claudio Yucot hinggil sa danyos ng naturang lalawigan habang abala pa ang provincial disaster risk reduction management council sa clearing operations upang mapuntahan at makapagsagawa ng assessment ang lahat ng lugar na grabeng sinalanta ng bagyo. Pinakanapuruhan ay ang mga bayan sa tabi ng dagat gaya ng Virac, Viga, Bato, Bagamanoc at iba pa na halos lahat ng bahay sa baybayin ay winasak habang kahit ang mga malalaking istablisimiento ay natuklap ang bubong.

Karamihan umano ng mga lugar ay hindi pa napupuntahan dahil sa mga landslides na naka­hambalang na mga ­punong kahoy, kawad at poste.

Maraming mga bahay at pananim ang sinira, nawalan ng kuryente ang buong lalawigan habang pahirapan ang signal ng internet.

PEPITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with