^

Police Metro

Libong pasahero stranded sa mga pier sa bansa

Danilo Garcia - Pang-masa
Libong pasahero stranded sa mga pier sa bansa
Nasa 414 pasahero na patungong Visayas at Mindanao ang stranded sa Northport Passenger Terminal sa Pier 4, Zaragoza gate nang hindi bumiyahe ang mga barko dahil sa banta ng bagyong Egay.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Mahigit 400 pasahero patungo sa mga probinsya ang na-stranded kahapon sa Manila North Passenger Terminal nang hindi payagang makapaglayag ang ka­nilang mga sasakyang barko dulot ng bagyong Egay.

Nabatid na patungo sana ang mga pasahero sa Bacolod, Cebu, Zamboanga, Butuan, Dipolog­, Cagayan, at Puerto Prin­sesa kaya ngayon ay nanatili muna sa pantalan habang nag-aantay ng abiso ng kanilang biyahe mula sa shipping lines.

“Mayroon pong mga naabisuhan na sa July 28 hanggang August 7 pa po ang byahe nila kaya naman tayo po sa pantalan ay naka-antabay sa mga assistance para sa mga pasahero, kabilang na dito ang PPA Lugaw, free charging station, free water refilling station, at paggamit po ng maayos na palikuran,” ayon sa Philippine Port Authority (PPA).

Tiniyak ni PPA General Manager Jay Santiago na may maayos na masisilu­ngan ang mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pan­talan habang regular rin ang pamamahagi nila ng pagkain lalo na ang mainit na lugaw.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), naka­pagtala ng 6,716 pasahero, tsuper at helpers; 26 sea vessels; at 1,226 rolling cargoes ang stranded sa mga pantalan ng Bicol region.

Umabot naman sa 2,635 pasahero, tsuper at helpers; pitong sea vessels; 532 rolling cargoes; at 2 motorbanca ang stranded sa mga pantalan ng Eastern Visayas.

Habang sa mga pan­talan ng Southern Tagalog at NCR-Central Luzon, umabot sa 1,429 pasahero, tsuper at helpers; 40 sea vessels; 272 rolling cargoes; at 25 motorbanca ang stranded.

Patuloy naman na nakaalerto ang lahat ng units ng PCG para sa agarang pagresponde sa mga ulat ng emergency habang pinananatili ang kaayusan sa mga pantalan.

STRANDED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with