^

Police Metro

Seniors sa Quezon City nakatanggap ng libreng gamut

Angie dela Cruz - Pang-masa
Seniors sa Quezon City nakatanggap ng libreng gamut
Photo from Pixabay shows various kinds of medicines.
Pixabay

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang Quezon City government sa pamamahagi sa libreng maintenance medicine para sa mga mahihirap na senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga matatanggap ng mga senior citizen ang gamot laban sa high blood, diabetes at mataas ang cholesterol.

Kabilang sa unang naki­nabang sa naturang programa ang mga senior citizen sa Barangay San Jose, Damar, Pag-ibig sa Nayon at Old Balara sa lungsod.

Pinapayuhan ang mga matatanda na magtungo lamang sa pinakamalapit na health center para magparehistro.

Sumailalim ang mga benepisyaryo sa assessment­ at check-up ng doktor bago nakakuha ng gamot tulad ng Losartan at Amlodipine para sa mga may hypertension; Metformin para sa mga may diabetes, at Simvastatin para sa mga may high cholesterol.

GAMOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with