‘Wag bumili ng gamot sa mga sari-sari store - Duterte
MANILA, Philippines — “Huwag bumili ng gamot sa mga sari-sari stores”.
Ito ang muling panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na may mga pagkakataon na ang mabibiling gamot sa sari-sari store ay expired na.
“Ang mabili ninyo minsan diyan ay ‘yung ipinagbibili itinatapon na doon sa botika kasi expired na tapos nasalo ‘yan sa sari-sari store,” ani Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na mas lalong sasakit ang ulo kung bibili ng gamot sa mga sari-sari store dahil mas mapapagastos pa ng malaki pagdating ng panahon at maoospital.
Mabuti aniyang bigyan ng babala ng mga kapitan ng barangay at ng mga mayors ang mga mamamayan laban sa pagbili ng gamot sa mga sari-sari stores.
Sinabihan din ni Duterte ang mga mamamayan na huwag masyadong matigas ang ulo.
- Latest