^

Police Metro

Binay: Maghanda sa Saudi-Iran conflict

Ellen Fernando - Pang-masa

DUBAI, UAE - Hinikayat ni Vice President Jejomar C. Binay ang mga Philippine embassies sa Middle East na agad maghanda at rebyuhin ang kanilang contingency plans kung sakaling lumala ang sitwasyon sa pagitan ng Saudi Arabia at  Iran.

Ayon pa sa Bise Presidente na handa ang pondo sa emergency purposes at dapat ang mga embahada ay maaari itong gamitin kapag lumala ang sitwasyon.

Binigyan naman ni Binay ng kasiguraduhan ang mahigit 800,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) na sila ay ligtas kahit na may namumuong tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
Ito ang isa sa dahilan ni  Binay kaya’t nagpunta ito sa UAE upang makita ang
posibleng epekto sa mga OFWs kung sakali na ma­tuloy ang girian ng Saudi Arabia at Iran na sa kasalukuyan ay normal ang sitwasyon doon.

Sa isang open forum sa  Filipino community sa UAE ay muli niyang pinanawagan sa pamahalaan na magkaroon ng malinaw na polisiya sa kaso ng blood money upang sa ganun ay mabilis ang pagproseso sa pagliligtas sa mga Filipino workers na nahaharap sa death pe­nalty sa mga Arab countries.
Suportado din ni Binay ang pagdagdag ng P100 million legal assistance fund para sa OFWs sa budget of the Department of Foreign Affairs (DFA) na inisyatibo ni Senator Nancy Binay na malaking tulong sa mga Philippine embassies na  makakuha ng  mga abogado na sobrang mahal ang presyo sa ibang bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MGA

MIDDLE EAST

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SAUDI ARABIA

SENATOR NANCY BINAY

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with