77 tangke na bigay ng Estados Unidos dumating
MANILA, Philippines – Upang mapaangat pa ang kapabilidad ng tropa ng katihan laban sa banta ng seguridad ay dumating na sa bansa ang 77 sa kabuuang 114 donasyong tangke ng Estados Unidos sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa isang press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps ang nasabing M1133A2 Armored Personnel Carrier (APC) battle tank ang unang batch ng kabuuang 114 donasyong mga tangke na ipinagkaloob ng Amerika sa AFP.
Ang nasabing mga tangke ay dumating sa Subic Bay kamakalawa ng gabi kung saan ang paglilipat ng naturang mga military equiptment ay bahagi ng Excess Defense Article Program o EDA.
Alinsunod sa EDA, pinapayagan ang Amerika na libreng ibahagi ang mga sobra nilang kagamitang pandigma sa mga kaalyado nitong bansa tulad ng Pilipinas. Ang 37 pa sa mga tangke ay darating naman sa Lunes.
- Latest