^

Pang Movies

Gigi, ignorante ba sa copyright law?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gigi, ignorante ba sa copyright law?!
Gigi

Nanggagalaiti ang singer na si Gigi de Lana dahil sa pagpapa-strike down ng YouTube channel niya.

Hindi man lang daw sila kinausap at wala man lang daw negosasyong nangyari at agad daw shinut down ang channel niya. Pero hindi niya pinangalanan ang gumawa nu’n.

Pwede naman daw nilang burahin o ‘di kaya’y ibigay sa mga ito ang kalahati ng kikitain pero tinake down lang daw iyon nang walang pasabi.

Tanong niya ay bakit naman daw iyon ginawa sa napakaliit na channel na gaya nila gayung kaya naman daw nitong mag-handle ng napakaraming artists.

Sinabi pa niya para raw hindi nag-iisip ang gumawa nu’n porke’t naiinis lang daw iyon dahil tumataas ang views ng kinover nilang kanta at wala itong nakukuha.

Naloka naman ang mga netizen sa pahayag ni Gigi dahil mukhang copyright infringement o paggamit ng copyrighted work nang walang permiso ng may-ari raw ang dahilan ng pagkawala ng channel niya.

Bilang professional singer ay dapat daw alam niya iyon.

Pwede raw kasi talaga gawin iyon lalo na at hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kanta.

Sey nga ng mga basher ay alam naman daw nitong siya ang may pagkakamali ay bakit siya pa raw ang gustong i-approach.

Kaya ang payo sa mga cover artist/singer ay magbasa ng copyright law para aware sa batas. ‘Kaloka siya ha.

GIGI DE LANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with