^

Police Metro

Armed group vs magsasaka: 6 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang magsasaka, isang security guard at tatlo  naman mula sa armed group ang napaslang makaraang lusubin ng mga bandido ang komunidad sa Sitio Saban, Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, dakong alas-11:45 ng umaga nang lusubin ng mga armadong grupo ang pamayanan ng mga magsasaka na abala sa pagtratrabaho sa bukirin.

Gayon pa man,  gumanti naman ng putok ang grupo ng inaatakeng mga magsasaka na naki­pagbarilan sa armadong grupo na tinatayang aabot sa 100.

Sa nasabing bakbakan na tumagal ng dalawang oras  ay napatay ang mga magsasakang  sina Renato Tadiaque at Anthony Camiring.

Sa panig naman ng mga kalaban ay napatay ang tatlo sa mga ito na inaalam pa ang pagkakakilanlan at ang security guard ng banana plantation na si Loloy Lumacad.

Ayon naman sa isang opisyal ng pu­lisya sa nasabing bayan na ang umatakeng mga armadong kalalakihan ay mula sa grupo ng Muslim na lumusob sa pamayanan ng mga Kristiyano.

Ang insidente ay nagbunsod din sa pag­likas ng 30 pamilya na naninirahan sa nabanggit na lugar.

Samantala, pinaniniwalaan namang alitan sa lupa ang motibo ng nasabing pag-atake habang patuloy ang im­bestigasyon.

ACIRC

ANG

ANTHONY CAMIRING

AYON

BERNARD TAYONG

BRGY

LOLOY LUMACAD

MGA

NORTH COTABATO

RENATO TADIAQUE

SITIO SABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with