^

Police Metro

2 suspek sa pagpatay sa empleyado ng Kamara, arestado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Mag-livein na ‘utak’ tukoy na

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang dalawa sa pitong na suspek sa pagpatay kay House executive na si Director Maurico Pulhin, 61-anyos noong ika-7 kaarawan ng anak nito noong Hunyo 15 sa clubhouse ng isang subdivision sa Quezon City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina alyas “Balong” at alyas “Jason” na sinampahan ng kasong murder kasama ang limang na iba pa Quezon City Prosecutors Office kabilang ang isang mag-live in na umano ay utak sa krimen.

Nabatid na Hunyo 22 nang maaresto si alyas Balong sa kanyang bahay sa Caloocan City at nakita ang mga ginamit na damit ng mga suspek. Si alyas Balong ang tumatayong middleman o naghanap ng papatay sa biktima habang si alyas “Jason” ay nagsilbing lookout sa insidente naaresto nang makipagkita ito sa una sa isang fastfood chain sa QC.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na inamin ni alyas “Balong” sa kanyang extrajudicial confession na kinontak sila ng mag-live in sa halagang P30,000 upang ipapatay ang biktima dahil sa galit.

Lumilitaw na planong kasuhan umano ng biktimang si Pulhin ang mag-live in ng estafa kaya ito ay ipinatumba.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with