^

Police Metro

Taas-presyo ng mga de-lata at iba pang produkto asahan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Taas-presyo ng mga de-lata at iba pang produkto asahan
Shoppers browse through the various canned goods and other food aisles as they do their grocery shopping at a supermarket in Quezon City on Sunday, Sept. 11, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Asahan na ang dagdag presyo ng mga de-lata at iba pang produkto sa pamilihan kasunod nang bigtime oil price hike.

Ito ang pag-amin ng grupo ng mga may-ari ng supermarket dahil sa ipapasa nila sa consu­mers ang magiging dagdag na gastos sa paggawa ng mga produkto na kinabibilangan ng mga de-lata at iba pa bunsod ng malakihang pagtataas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.

“Ipapasa sa amin ng distributor kung sino man ang nag-deliver sa amin, supplier namin. And then we’ll have to pass on to consumers,” pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.

Paliwanag ni Cua, maaring itaas ang  mga manufactured item tulad ng mga de-lata, processed foods, at iba pa dahil magpapalaki ng distribution cost.

Ang mga supermarket owners naman ang magtatalaga kung magkano pa ang ipapatong sa mga kasalukuyang presyo ng mga produkto.

Nakatakdang ipatupad ang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, na epekto ng tensyon sa Israel-Iran conflict.

OIL PRICE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with