Mister na may colon cancer, nagpakamatay
MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang 35-anyos na lalaki ang kanyang buhay dahil sa hindi umano makayanang sakit na colon cancer kung kaya’t sinaksak nito ang dibdib at naghiwa pa ng pulso sa loob ng inuupahang silid sa Ermita, Maynila kamakalawa.
Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Franz Xavier Bustillo, binata, empleyado ng Solaire Hotel at may 7 taon na nanirahan sa Pacific Pallacide Condominium na matatagpuan sa Maria Orosa St., Ermita, Manila.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pagpapakamatay ng biktima ay inihatid pa ito ng kaibigang si Harry Ong sa kaniyang silid sa Room 908.
Nagawa pa umano nitong makipag-text sa kaniyang kapatid na si Erish Marie Claire Bustillo simula alas -10:43 ng umaga hanggang alas-11:04 ng umaga at nasabi ng biktima sa pamamagitan ng text na sobrang sakit ng tiyan at likod niya.
Hindi pa nagtatagal nang balikan ang biktima ng kaibigang si Ong ay nadiskubre na walang malay, duguan ito na may apat na tama ng saksak sa dibdib at hiwa sa kaliwang pulso kaya’t dinala ito sa Manila Doctor’s Hospital kung saan ito nasawi.
- Latest