^

Police Metro

Katrina Halili naghain ng MR vs lisensiya ni Hayden Kho

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang motion for reconsideration ang inihain ng  aktres na si Katrina Halili sa  Legal and Investigation Division ng Philippine Regulation Commission (PRC)   para  kuwestiyunin  ang  pagpapabalik  ng me­dical license ni Hayden Kho.

Sa walong pahinang mos­yon ni Halili, sinabi nito  na  premature ang paggawad ng PRC ng reinstatement kay Kho.

Sinabi ni Atty. Raymund Palad, hindi pa tapos ang dalawang taong waiting period ni Kho bago pagbigyan ng PRC ang kanyang petition for reins­tatement, lalo pa’t may pending itong apela sa court of appeals. 

Kinuwestyon din ng kampo ni Halili  na nilabag ng PRC ang kanilang  2013 revised rules and regulations in administrative investigation, dahil hindi man lang ipinatawag sa hearing ang kanyang kliyente kaugnay ng petisyon ni Kho.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay binalik ng PRC ang petition for reinstatement ni Kho para sa kanyang lisensiya bilang doktor.

HALILI

HAYDEN KHO

ISANG

KATRINA HALILI

KHO

LEGAL AND INVESTIGATION DIVISION

PHILIPPINE REGULATION COMMISSION

RAYMUND PALAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with