Sawi sa pag-ibig rumesbak... mag-asawa, anak na buntis pinatay
MANILA, Philippines - Rumesbak ang isang lalaki na sawi sa pag-ibig nang pagbabarilin nito ang tatlong miÂyembro ng isang pamilÂya kabilang ang daÂting kasintahan na anim buwan buntis naganap kahapon ng umaga sa Navotas City.
Namatay noon din ang mga biktima na kinilalang sina Cecilio Dinolang, 55-anyos, dating traffic enforcer; misis na si Rosa Leticia, nasa hustong gulang at 18-anyos nilang anak na si Jocelyn, na anim buwan buntis at pawang nakatira sa EverÂlasting St., Barangay San Roque ng naturang siyudad.
Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Ang suspek na agad tumakas matapos mapatay ang mga biktima ay kinilalang si alyas Jeje, na nakatira din sa nasabing lugar.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, kagigising lang ng pamilya, dakong alas-7:30 ng umaga nang mabungaran nila ang suspek na nasa loob ng kanilang bahay at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, na malaki ang galit ng suspek sa mga magulang ni Jocelyn, dahil ito umano ay tutol sa kanilang relasyon kaya’t nagkahiwalay sila na hindi nito matanggap.
Madalas umanong bungangaan ang suspek ng ina ni Jocelyn sa tuwing ito ay dadalaw sa bahay.
- Latest