^

Police Metro

Electric fan nag-over heat, trader natusta sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang 57-anyos na ama ng taha­nan dahil sa pagkasunog ng buong katawan habang ang kanyang misis at dalawang anak ay na-suffocate nang sila ay ma-trap sa nasusunog nilang bahay naganap kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay naki­lalang si Andrew Tang, negosyante habang ang kanyang mag-iina na nakaligtas dahil sa tinamong minor injuries at suffocation ay nakilalang sina Kristine, 47; mga anak na sina Kelvin, 19  at Aldrin, 20, pawang residente ng nasunog bahay na matatagpuan  no. 2512 Leonor Rivera St. Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Kristine na posibleng ang nakabukas na Rota-aire electric fan na gamit sa pampatuyo ng mga nilabhang damit sa ika-2 palapag ang nag-over heat na naging sanhi ng sunog habang sila ay mahimbing na natutulog dakong alas-2:57 ng madaling-araw.

Nang marinig ang fire alarm sa gusali ay buma­ba pa si Andrew upang tingnan, subalit na-trap ito sa kapal ng usok at apoy sa daraanan.

vuukle comment

ANDREW TANG

AYON

CRUZ

KRISTINE

LEONOR RIVERA

MAYNILA

NANG

ST. STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with