^

Police Metro

Engineer nasagasaan ng tren

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadulas o sadyang tu­malon?

Ito ang dalawang ang­gulo na sinisiyasat ng pulis­ya matapos na ma­sagasaan ng tren ang isang 23-anyos na engineer na naging dahilan ng kanyang kamatayan kahapon ng umaga sa Philippine National railways (PNR)-Beata Station, Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima na nalasog matapos makaladkad ng halos 50 metro ay nakilalang si Confucius Ephraim Peralta,
no. 2623  San Jose St., Beata, Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas 5:50 ng umaga habang paparating ang PNR train body no. 537
na pinatatakbo ni Aries Calaguas ay bigla na lamang nakitang nasagasaan at nakaladkad ang biktima.

Sa salaysay ng  nakatalagang security guard na si Gerry Tingson sa nasabing station ay  naghihintay ng tren na magmumula sa Tutuban station  ang biktima at iba pang pasahero  nang makita niyang nabitawan nito ang mga gamit at tuluy-tuloy na nahulog sa riles na siya namang pagdating ng tren.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sadyang nagpakamatay o nadulas ang biktima dahil sa basa ang platform.

ARIES CALAGUAS

BATAY

BEATA STATION

CONFUCIUS EPHRAIM PERALTA

GERRY TINGSON

MAYNILA

PANDACAN

PHILIPPINE NATIONAL

SAN JOSE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with