^

PM Sports

La Salle sososyo sa itaas vs NU

Elech Dawa - Pang-masa
La Salle sososyo sa itaas vs NU
La Salle's Jacob Cortez
(FilOil ECoOil Sports)

MANILA, Philippines — Kakapitan ng De La Salle University sina Luis Pablo, Mike Phillips at Jacob Cortez upang ikadena ang pang-limang sunod na panalo kontra league leader National University sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na lalaruin sa MOA Arena sa Pasay City ngayon.

Maliban sa asam na panalo, puntirya rin ng last year’s runner-up, La Salle na kumapit sa tuktok ng team standings upang manati­ling malakas ang tsansa na masikwat ang korona ngayong season.

Magsisimula ang ba­nga­yan ng La Salle at NU sa alas-4:30 ng hapon pagkatapos ng laban ng Far Eastern University at  A­damson University sa alas-2 ng hapon.

Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang DLSU, kasalo nila ang defending champion University of the Philippines na may tig-6-3 records.

Solo naman sa unahan ang Bulldogs tangan ang 7-2 card, kaya sakaling manalo ang Green Archers ay uupuan nila pareho ang No. 1 spot.

Isa sa maiinit na teams ang Taft-based squad, nirehistro nila ang four-game winning streak nang kalusin nila noong Miyerkules ang University of the East, 84-72.

Umiskor si Pablo ng 16 points, pitong rebounds, dalawang assists at tig-isang steal at block para sa DLSU sa kanilang huling laban, bumakas sina Phillips ng 14 markers, 12 boards, at tig-dalawang assists at steals at Cortez na may 10 points at limang assists kaya asahang sila pa rin ang magiging pangunahing armas sa opensa.

Samantala, tulad ng DLSU, target din ng A­damson na pahabain din ang kanilang winning streak sa lima kung saan tangan ang 5-4 karta at kaagaw nila sa pang-apat na puwesto ang host school University of Sto. Tomas.

JACOB CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with