^

PM Sports

Foxies humirit ng ‘Do-Or-Die’

Russell Cadayona - Pang-masa
Foxies humirit ng ‘Do-Or-Die’
Pinaluan ni Ces Molina ng Farm Fresh si Nxled setter Gel Cayuna sa kanilang semifinals match.
PVL photo

MANILA, Philippines – Humirit ng ‘do-or-die’ game ang No. 4 Farm Fresh matapos resbakan ang No. 1 Nxled, 27-25, 21-25, 25-18, 19-25, 15-13, sa kanilang semifinals match sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Trisha Tubu ng 21 points mula sa 18 attacks at tatlong blocks, habang may 18, 12 at 11 markers sina Royse Tubino, Mylene Paat-Rezanova at Ces Molina, ayon sa pagkakasunod.

Binawian din ng Fo­xies ang Chameleons, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, na tumalo sa kanila sa elimination, 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12, noong Oktubre 17.

Ipinalasap ng Farm Fresh ang kauna-unahang kabiguan ng Nxled na winalis ang walong laro sa eliminasyon.

“Siguro gusto namin may Game Two pa talaga kasi lahat ng pinaghirapan since Day One, eto iyon, hindi pa kami uuwi, kailangan namin lumaban talaga,” ani Tubino.

Binanderahan ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang Chameleons sa kanyang triple-double na 25 points, 20 excellent digs at 12 receptions at may 18 markers si Myla Pablo kasunod ang 12 points ni Jackie Acuña.

Nag-ambag ng tig-11 markers sina Fil-Am middle blocker MJ Phillips at EJ Cariño.

Sa ikalawang laro, inangkin ng No. 2 Creamline ang unang finals berth matapos talunin ang sister team at No. 3 Choco Mucho, 21-25, 25-17, 25-17, 25-23, sa kanilang semifinals game.

Hindi na nagamit ng Cool Smashers ang bitbit na ‘twice-to-beat’ bonus kontra sa Flying Titans na tumalo sa kanila sa elimination, 23-25, 25-13, 25-23, 22-25, 15-13, noong Nob­yembre 12.

Haharapin ng Creamline sa finals sa Sabado ang mananaig sa ‘winner-take-all’ match ng No. 1 Nxled at No. 4 Farm Fresh bukas sa parehong venue.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with