^

PM Sports

Gilas totodo kontra Syria

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala sa isip ng Gilas Pilipinas na magpakampante sa pagharap nito sa Syria sa Biyernes sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia.

Kaya naman inaasahang ibubuhos ng Pinoy cagers ang buong lakas nito lalo pa’t naghahabol ito ng importanteng panalo para mapalakas ang tsansang makapasok sa FIBA World Cup proper sa susunod na taon.

Nasa ilalim ng Group E ang Syria tangan ang 2-6 rekord.

Mahihirapan na ang Syria na makahabol sa mga nangungunang koponan.

Nasa unahan ang Australia na may 8-0 rekord kasunod ang New Zealand (6-2), Iran (5-3), Jordan (5-3) at Pilipinas (4-4).

Sa kabila nito, hindi naman basta-basta isusuko ng Syria ang lahat dahil inaasahang lalaban pa rin ito upang mapaangat ang kanilang standing.

Ipaparada ng Syria si D’Angelo Harrison bilang naturalized player nito.

Huling nasilayan si Harrison sa aksyon sa Syria nang maglaro ito para sa Al Ittihad hawak ang averages na 20.4 points, 4.1 rebounds at 4.3 assists.

Kaya naman inaasahang tututukan ng husto ng Gilas ang depensa nito kay Harrison.

Sa kabilang banda, masisilayan na sa aksyon sa u­nang pagkakataon si Bennie Boatwright — ang naturalized player ng Gilas na hahalili kay Justin Brownlee.

Makakasama nito sina Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kai Sotto, Quentin Millora-Brown, AJ Edu at Mike Phillips.

Matapos ang Syria, sunod na haharapin ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Nobyembre 29.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with