Tatum, Celtics tinambakan Wizards

WASHINGTON — Iniskor ni Jayson Tatum ang 28 sa kanyang 41 points sa first half at tinapos ng Boston Celtics ang kanilang four-game losing slump sa pamamagitan ng 131-116 panalo sa Wizards.
Nagdagdag si Paul George ng 28 points para sa Boston (12-6) at may 21 markers si Neemias Queta.
Humakot si Anthony Davis ng 33 points at 13 rebounds sa panig ng Washington (7-12) na nakahugot kay Kyshawn George ng 24 points, habang nagtala si rookie AJ Dybantsa ng 20 points, 11 rebounds at pitong assists.
Tumipa si Trae Young ng 17 points at 12 assists para sa Wizards, nagtapos ang three-game winning streak, na nabaon sa halftime, 49-80, matapos kumamada ang Celtics ng 46 points sa second quarter.
Hindi pa natatalo ang Boston sa NBA Cup play, habang talsik na ang Washington.
Sa Denver, kumolekta si Cooper Flagg ng 24 points, 12 assists at anim na rebounds sa 120-101 paggupo ng Dallas Mavericks (11-7) sa Nuggets (10-6).
Sa Orlando, umiskor si Isaiah Joe ng 21 points sa 104-86 pagdaig ng Detroit Pistons (11-6) kontra sa Magic (7-10).
- Latest
















