^

PM Sports

Manila Bay Clean Up Run registration

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ika-anim na Manila Bay Clean Up Run na gaganapin sa July 7.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae. Magkakamit ng medalya at cash pri-zes ang magwawagi sa bawat kategoriya. 

Maari na’ng magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City, mula Lunes hanggang Linggo, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Bukas na rin ang registration sa Olympic Village  branches sa Robinsons Forum, Festival Mall, at Farmers Plaza, mula Martes hanggang Linggo ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi. Ang huling araw ng pagpapatala ay sa June 30, 2019.

Ang funrun ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay. Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kundi maging mga ilog, estero, at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito. 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring tawagan ang Runners Link sa cel no. 0926.205.2787

vuukle comment

MANILA BAY CLEAN UP RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with