^

PM Sports

Painters inangkin ang semifinals seat

Russell Cadayona - Pang-masa
Painters inangkin ang semifinals seat

MANILA, Philippines — Sinamantala ng Elasto Painters ang hindi pagla­laro ni injured small forward Sean Anthony para mag­martsa sa semifinal round.

Kaagad sinibak ng No. 2 Rain or Shine ang No. 7 NorthPort, 91-85, sa kanilang quarterfinals match sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Umiskor si Ed Daquioag ng 15 points, habang nagdagdag ng 14 at 13 markers sina Rey Nambatac at Beau Belga, ayon sa pagkakasunod, para sa Elasto Painters na nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

“I just told the players any given time, you just have to step up,” sabi ni coach Caloy Garcia. “They were guarding James (Yap) the whole game, so the good thing is the others stepped up.”

Tumipa naman si Moala Tautuaa ng 24 points sa panig ng Batang Pier, nakahugot kay Garvo Laneta ng 20 markers tampok ang limang three-point shots.

Lalabanan ng Rain or Shine sa best-of-seven se­mifinals series ang mananalo sa quarterfinals wars ng Barangay Ginebra at Magnolia.

Malaki ang naging epekto sa NorthPort ng hindi paglalaro ni Anthony, may strained groin injury, kaya naitayo ng Rain or Shine ang 45-33 bentahe sa pagsisimula ng third period.

Nakalapit ang Batang Pier, nakakuha lamang kay Stanley Pringle ng 9 points, sa 52-55 sa 4:41 minuto nito mula sa pamumuno nina Tautuaa at Lanete.

Ngunit naglaglag ng 18-7 bomba ang Elasto Pain­ters para itarak ang 73-59 bentahe galing sa ikaapat na tres ni Nambatac sa natitirang 19.2 segundo ng na­turang yugto.

Ang drive ni rookie Javee Mocon ang nagtayo sa 11-point lead, 85-74, sa huling 4:08 minuto ng fourth quarter.

Samantala, inaasahan namang tuluyan nang ititiklop ng nagdedepensang San Miguel at Ginebra ang kani-kanilang mga best-of-three quarterfinals series sa Game Two.

Hawak ang 1-0 abante, haharapin ng Beermen ang TNT Katropang Texters ngayong alas-7 ng gabi ma­­tapos ang laro ng Gin Kings at Magnolia Hotshots sa  alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinakasan ng San Miguel ang TNT Katropa, 80-78, habang giniba ng Ginebra ang Magnolia, 86-75, sa Game One noong Sabado.

 

vuukle comment

PAINTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with