^

PM Sports

Palicte-Nietes rematch naikasa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naitarak ni Aston Palicte ang impresibong se-cond-round knockout win laban kay Puerto Rican fighter Jose Martinez kahapon sa kanilang WBO Super Flyweight World Championship eliminator bout na ginanap sa Viejas Casino and Resort sa Alpine, California.

Mainit na sinimulan ng 28-anyos na Pinoy pug ang laban nang paliguan agad nito ng suntok si Martinez ngunit nakalusot ito matapos tumunog ang bell.

Ipinagpatuloy ni Palicte ang matinding ratsada nang kaliwa’t kanan nitong pakawalan ang solidong atake dahilan upang bumagsak si Martinez ng tatlong beses at tuluyang makuha ang panalo.

“Sa first round pa lang nakita ko na nasaktan ko na siya kaya ibinuhos na lahat para makuha ‘yung panalo. Sobrang nagbunga ang lahat ng pagsisikap ko sa training namin,” ani Palicte.

Dahil sa panalo, isa na namang all-Filipino fight ang masasaksihan ng buong mundo dahil muling nabigyan ng pagkakataon si Palicte na makaharap sa isang rematch ang kababayang si reigning World Boxing Organization super flyweight champion Donnie Nietes.

Una nang nagtagpo sina Palicte at Nietes noong Setyembre 8 sa Inglewood, California ngunit nauwi ang laban sa isang kontrobersiyal na draw.

Muling sumalang si Nietes kontra kay Japanese pug Kazuto Ioka noong Disyembre 31 sa Macau at napanalunan nito ang WBO super flyweight belt via split decision.

Sa kanilang rematch, inaasahang magtataasan ang kilay ng ilang eksperto dahil hindi magandang makitang naglalaban ang parehong Pinoy sa isang title fight.

 

PALICTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with