Pinoy jins may tsansa rin sa Taekwondo Olympic Qualifier
MANILA, Philippines – Inaasahang ibubuhos ng mga Filipino jins ang kanilang makakaya para makakuha ng puwesto sa 2016 Rio Olympics sa paglahok sa Asian Taekwondo Olympic Qualifier sa April 19-20 saan man sa Marriott Hotel o sa Cuneta Astrodome.
Pag-aagawan ng mga top jins sa rehiyon ang nakalatag na 16 men’s at women’s berths para sa Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil sa August.
“It will be tough but at least it will help our athletes knowing that they’re competing on our home soil,” wika ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia, inihayag ang kanilang pag-apruba sa P4 million budget para sa nasabing Olympic elims hosting.
Tanging si Fil-Am hurdler Eric Cray ang tiyak nang makakalahok sa Olympics matapos makuha ang Olympic qualifying standard sa nilahukang torneo sa US noong nakaraang taon.
Tatlo hanggang apat na atleta ang inaasahan naman ni Phl Taekwondo Association chief executive officer Sung Chon Hong na kanilang maipapadala sa Rio Olympics.
Samantala, idaraos ng PTA ang kanilang National Championship ngayong linggo sa Cuneta Astrodome kung saan paparada sina Francis Aaron Agojo, Samuel Thomas Morrison, Ronna Ilao, Pauline Lopez at Benjamin Keith Sembrano sa kyorugi o free sparring. (JV)
- Latest