P1.5M Binggo Bonanza National Badminton registration
MANILA, Philippines – Kasalukuyan nang nagaganap ang pagpapatala para sa P1.5 million Bingo Bonanza National Open Badminton tournament na nakatakda sa Oct. 11-18 sa Rizal Memorial Sports Complex Badminton Hall at sa Glorietta 5 Atrium sa Makati City.
Ang entry fee ay P800 at ang pagpaparehistro ay matatapos sa Sept. 30 sa ganap na alas-5 ng hapon.
Ang listahan ng mga players ay ipoposte sa Oct. 1 habang ang draw ay nakatakda sa Oct. 3, ayon sa nag-oorganisang EventKing Corp.
Ang iskedyul ng mga laro ay ilalabas sa Oct. 5 at ang team managers, coaches at players meeting ay gagawin sa Oct. 7.
Para sa mga detalye at online listup, maaa-ring bisitahin ang bingob.com/nationalopentournament o mag-email o mag-fax sa EKC sa [email protected].
Ang mga qualifiers ay idaraos sa unang apat na araw sa RMSC Badminton Hall bago lumipat sa Glorietta para sa quarterfinals sa Oct. 15 hanggang sa finals sa Oct. 18.
Inangkin nina Gelita Castilo at Marky Alcala ang singles crown noong nakaraang taon.
Ang iba pang titulong pag-aagawan sa torneong suportado ng Gatorade, Glorietta, Smash Pilipinas at POC na may basbas ng Philippine Badminton Association ay ang men’s at ladies doubles at ang mixed doubles.
Inaasahang sasali sina R-Jay Ormilla, Kenneth Monterubio, Kevin Cudiamat, Paul Vivas at Peter Magnaye sa men’s side at sina Sarah Barredo, Airah Albo, Christine Inlayo at Malvinne Alcala sa women’s side.
- Latest