^

PM Sports

Kahit wala pa ring headband, ‘di pa rin maawat si James

Pang-masa

DALLAS – Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay walang suot na headband si LeBron James.

Ngunit sa kabila nito ay umiskor pa rin si James ng 27 points at sinolo ang career assists record ng Cavaliers makaraang pangunahan ang Cleveland sa 127-94 panalo laban sa Dallas Maverick.

Unang inalis ni James ang kanyang headband sa second quarter sa home game ng Cavaliers noong Sabado at hindi na ito isinuot kontra sa Phoenix Suns at sinabing, “It just happened.”

Bagama’t walang suot na headband si James kontra sa Mavericks, nakilala pa rin ang No. 23 player dahil sa kanyang laro.

Tumapos si James na may 10-of-14 shooting bukod pa sa hinablot na 7 rebounds at itinalang 8 assists.

Si James ay isa sa apat na players na umiskor ng higit sa 20 points para sa Central Division-leading Cavaliers, naipanalo ang 12 sa kanilang huling 13 games kontra sa kanilang mga kalaban sa Western Conference teams kasabay ng pagpigil sa 14-game lo-sing streak nila sa Texas.

Naglista si Kyrie Irving ng 22 points at kumolekta si Kevin Love ng 21 points at 14 rebounds.

Nag-ambag si J.R. Smith ng 21 points at may 17 markers si Timofey Mozgov.

Pinangunahan ni Chandler Parsons ang Dallas sa kanyang 18 points, habang may 17 si Monta Ellis kasunod ang 15 ni Amare Stoudemire.

Si Dirk Nowitzki ay may 13 points sa kanyang malamyang 3-of-10 shooting.

vuukle comment

AMARE STOUDEMIRE

CENTRAL DIVISION

CHANDLER PARSONS

DALLAS MAVERICK

KEVIN LOVE

KYRIE IRVING

MONTA ELLIS

PHOENIX SUNS

POINTS

SI DIRK NOWITZKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with