^

PM Sports

Cleveland binuhat ni Dion Waiters

Pang-masa

CLEVELAND – Nagpaubaya sina Le-Bron James at Kyrie Irving sa kanilang  kasama na siyang tumapos sa  kalaban.

Tinapos ni Dion Waiters ang Memphis nang kumamada ito ng 13 sa kanyang 21-points sa fourth quarter nang talu-nin ng Cleveland  ang isa sa malakas ng team saWestern Conference sa pamamagitan ng 105-91 iskor.

Matagal nang hinihintay ng Cavs na ma-ging reliable ang inconsistent na si Waiters.

May igagaling pa si Waiters na laging nababanggit sa mga usapang trade sa nakaraang dalawang seasons at nakikita na ngayon ang malaking improvement sa kanyang laro.

“He’s learning every day,” sabi ni James na may 25 points at 11 assists. “He’s a young guy. He hasn’t experienced much in this league, so for him to have a game like he had, we needed it.”

Umiskor si James ng 16 sa second half at nagtala ang Cavs ng season-best na 61 percent mula sa field para umangat sa 3-6 laban sa mga West teams. Nagtala si Anderson Varejao ng 18 points at nagposte si Irving ng 17 points at 12 assists para sa Cavs na may 11-3 record matapos magsimula ng 5-7.

Nagposte si Marc Gasol ng 23 points at may 11 rebounds para sa Grizzlies na di nakaasa kay forward Zach Randolph. Pinapagaling pa niya ang namamagang  kanang tuhod na nagkaroon ng  injury noong Biyernes kung saan natalo sila sa Chicago.

ANDERSON VAREJAO

BIYERNES

DION WAITERS

IRVING

KYRIE IRVING

LE-BRON JAMES

MARC GASOL

MATAGAL

ZACH RANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with