^

PM Sports

Spurs tinambakan ang Timberwolves

Pang-masa

MINNEAPOLIS – Bi­nuksan ng San Antonio Spurs ang pagdedepensa sa kanilang pang-limang NBA title sa malamyang mga laro.

Ang isang dominanteng panalo sa Minneso­ta Timberwolves ang ku­mumbinse kay coach Gregg Popovich na nag­ba­lik na ang kanilang pa­matay na porma.

Umiskor si guard To­ny Parker ng 28 points sa loob ng 25 minuto at pinabagsak ng Spurs ang Timberwolves, 121-92, na hin­di nakuha ang serbis­yo ng apat nilang starters.

Nagtala si Parker ng 12-of-18 fieldgoal shoo­ting na tinampukan ng kan­yang 3-of-3 clip sa 3-point line.

Nagdagdag naman si Danny Green ng 18 points para sa Spurs, lalabanan ang Brooklyn Nets sa San Antonio sa Sabado.

Kumolekta si Tim Dun­can ng 9 points at 10 re­bounds sa loob ng 23 minuto, habang may 13 points at 11 boards si Austin Daye para sa Spurs.

Tumipa si Anthony Ben­nett ng career-high na 20 points sa panig ng Tim­­ber­wolves, nagparada la­mang ng 10 players ma­tapos ihayag na mayroong fractured right wrist si Ke­vin Martin.

Naglaro din ang Timberwolves nang wala si­na star­ters Ricky Rubio, Nikola Pekovic and Thaddeus Young at backup big man Ronny Turiaf.

Sa Dallas, nagtala si Dirk Nowitzki ng 23 points bago ipinahinga sa kabuuan ng fourth quarter at ginamit ng Mavericks ang kanilang highest-sco­ring offense sa pagkuha sa 140-106 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Ito ang pang-anim na sunod na panalo ng Mave­­ricks at ikaapat na di­kit kontra sa Lakers, giniba ng Dallas sa regular season sa unang pagkakataon sa 2013-14 season.

vuukle comment

ANTHONY BEN

AUSTIN DAYE

BROOKLYN NETS

DANNY GREEN

DIRK NOWITZKI

GREGG POPOVICH

LOS ANGELES LAKERS

SHY

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with