^

PM Sports

Goobye sa PBA lottery

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Totoong PBA player free agency at ang pagbabasura ng lottery para sa PBA Rookie Draft first pick ang dalawa sa mga importanteng probisyon na kaaapruba lamang ng PBA board of governors.

Sa ilalim ng probisyon ukol sa free agency, ang PBA player na nakalaro na ng pitong season sa liga ay mabibigyan ng layang pumili ng kanyang koponan sa kanyang ikawalong season.

Finally, pumasa ang rule na ito na panukala na noon pang panunungkulan ni nasirang commissioner Jun Bernardino.

Matapos naman ang halos dalawang dekadang buhay ng PBA lottery, ito ay pinatay na ng PBA board.

“Kumbinsido kasi ang board na walang team na magta-‘tank’ para lang ambisyonin ang No. 1 pick. So they decided kung sino ang kulelat sa season, sa kanya ang No. 1 pick sa susunod na drafting,” sabi ng isang PBA source.

May duda ako kung wala ngang magbabalahura ng rule na ito. Unang-una, history ang magpapatunay na kaya nga in-adopt ang lottery sa PBA sa kadahilanang may koponang sadyang nagpapatalo noong late 90s para makakuha ng premyadong player sa rookie draft.    

***

Nakisama ang panahon para maayos na maisakatuparan ang 2014 Novaliches SDA Church sportsfest na aking natunghayan nitong Linggo sa Jordan Plain co-vered court, Novaliches, Quezon City.

Actually, nakilaro ang sportswriter na ito sa ilang events at nanakit ang kasukasuan kagaya ng ilan pang “not-so-old” participants.

Dahil wala naman talaga sa church membership na professional sports organizer, maraming puwedeng i-improve sa pagsasagawa ng mga susunod na edisyon ng palaro.

Ngunit ‘di maikakaila na naging malaking tagum-pay ang event, at ako’y nagbibigay pugay sa ilang indibidwal na may malaking ambag sa kasiyahan. Nariyan si AY leader Jezreel Doloso at ang kanyang grupo na nag-organisa at nag-patakbo ng palaro na panukala nina elder Herson Alvarez at deacon RS Vicente. Magaling naman na nagtimon bilang group leaders sina Sharon Yu Bazarte, Jim Clyde Garcia, Roxanne Ricohermoso, Fritzie Saavedra, Almira Doronilla at Ram Masinas.

Panalo sa men’s basketball ang team ni Vicente at sa women’s volleyball ang grupo ni Saavedra. Basketball MVP si Rusty Nuñez at volleyball MVP si Iceiana Hart Beltran Llamada.

Sa kabuuan, big winner ang church dahil nakamit ang tunay mithiin ng event – “fellowship more than one-upmanship; fellowship above the competition.”

Lalong naging makabuluhan ang araw sa samasamang pasasalamat ng kapatiran sa pagpasok ni Kleidi Verdote sa Top 10 ng mga passers sa nakaraang opto-metry board exam.

Kapuri-puri ang ipinakita ng mga Nova youth -- sen-yales na hindi mauubusan ng magagaling na leaders ang Novaliches SDA Church.

ALMIRA DORONILLA

FRITZIE SAAVEDRA

HERSON ALVAREZ

ICEIANA HART BELTRAN LLAMADA

JEZREEL DOLOSO

JIM CLYDE GARCIA

JORDAN PLAIN

NOVALICHES

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with