^

PM Sports

Quarterfinals tangka ng PLDT spikers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patatatagin pa ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters ang kanilang kapit sa unahan sa pag-asinta ng ikaapat na sunod na tagumpay sa wala pang panalong PNP Lady Patrollers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Confe-rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang makukuhang panalo sa larong itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon ay pormal ding magluluklok sa PLDT sa quarterfinals sa kompetisyong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Ang anim na ma-ngungunang koponan ay magpapatuloy ng laban para sa titulo habang ang dalawang mangungulelat ay mamamaalam na.

Ang nagdedepensang kampeong Cagayan Valley Lady Rising Suns ay mapapalaban din sa National University Lady Bulldogs sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Mas lalakas ang pag-atake ng Turbo Boosters dahil nasa kanila rin sina Suzanne Roces, Laurence Ann Latigay, Gretchel Soltones, Angela Benting, Carmina Aganon at Rubie de Leon.

Nakita ng Lady Rising Suns na nagtapos ang 17-game winning streak, 16-0 sila noong nakaraang season, nang pataubin ng Turbo Boosters sa straight sets.

Sina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Janine Marciano at libero Shiela Pineda ang magtutulong para pigilan ang paglasap ng ikalawang sunod na pagkatalo at palakasin ang kapit sa ikaapat na puwesto sa walong koponang liga.

Wala pang panalo ang Lady Patrollers at ang bagay na ito ang makadaragdag inspirasyon sa koponan para pagsikapan na masilat ang mas malakas na katunggali. Ang Army Lady Troopers ay wala pa ring talo matapos ang tatlong laro at sila ng PLDT ang magsusukatan sa Huwebes.

 

ANG ARMY LADY TROOPERS

ANGELA BENTING

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CARMINA AGANON

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JANINE MARCIANO

LADY PATROLLERS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with