Colonia kasama sa Asiad
MANILA, Philippines - Ginamit ni Nestor Colonia ang 2014 Philippine National Games para makuha ang puwesto sa Asian Games team nang abutin ang bronze medal mark sa idinadaos na weightlifting competition sa Marikina Riverbanks.
Bumuhat ang tubong Zamboanga City na si Colonia ng 118kg. sa snatch at 153kg. sa clean and jerk tungo sa 271kg. total na siya ring tatayo bilang bagong national record sa men’s 56kg. division.
Ang 271kg. total lift ay siyang ginawa Jadi Setiadi ng Indonesia noong nanalo ng bronze medal sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China at ang pagpantay sa marka ay sapat na para selyuhan ni Colonia ang puwesto sa Incheon, Korea.
Nagpakitang-gilas si London Olympian tanker Jessie King Lacuna at multi-titled shooter Nathaniel “Tac†Padilla nang kumubra ng dalawang ginto sa swimming at shooting na ginawa sa magkahiwalay na palaruan.
Dalawang events lamang ang sasalihan ni Lacuna sa PNG dahil abala sa kanyang pag-aaral at naipakita naman ng tubong Pulilan, Bulacan na siya pa rin ang pinakamahusay sa 400m freestyle (4:07:19) at sa 100m freestyle (54.54). Ang 49-anyos na si Padilla ay nangibabaw naman sa paboritong 25m center fire at rapid fire pistol events na ginawa sa PSC/PNSA shooting range sa Fort Bonifacio, Taguig City. (AT)
- Latest