^

PM Sports

Nietes pinatumba si Fuentes

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako si Donnie Ahas’ Nietes na pababagsakin niya si Moises Fuentes ng Mexico sa kanilang re­match.

At ito ay kanyang ginawa sa harap ng kanyang mga kababayan.

Pinatumba ni Nietes si Fuentes sa ninth-round para patuloy na isuot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) light flyweight crown noong Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatlong beses pinabagsak ng 31-anyos na si Nietes ang 28-anyos na si Fuentes sa round nine bago ito inihinto ni referee Robert Byrd sa 2:56 minuto.

“Masyado akong gigil,” sabi ni Nietes matapos ma­patawan ni Byrd ng one-point deduction matapos suntukin si Fuentes kahit nakaluhod sa una nitong pag­kakatumba.

Itinaas ni Nietes ang kanyang win-loss-draw ring re­cord sa 33-1-4, kasama dito ang 19 knockouts, kum­para sa 19-2-1 (10 KOs).

Nauna nang naglaban sina Nietes at Fuentes no­ong Marso ng 2013 sa Cebu City kung saan nauwi sa kontrobersyal na majority draw ang kanilang unang pag­haharap.

“Ang pinakamalaki kong ginawang adjustment sa laban na ito ay ‘yung pagtarget ko sa katawan niya,” wika ni Nietes. “Sa first fight kasi namin puro ulo ang pinuntirya ko eh.”

Matapos patahimikin si Fuentes ay puntirya naman ni Nietes ang sinuman kina Nicaraguan superstar Roman Gonzales at Mexican WBO/WBA flyweight king Juan Francisco Estrada.

Samantala, umiskor si Milan ‘Metodico’ Melindo ng isang majority decision laban kay Mexican Martin ‘Diablo’ Tecuapetla para mapanatiling suot ang kanyang WBO International flyweight title.

Nakatanggap si Melindo ng mga iskor na 116-112, 115-113 at 114-114 laban kay Tecuapetla.

Tinalo naman ni Rey ‘Boom Boom’ Bautista si Ser­gio ‘El Cuate’ Villanueva mula sa isang unanimous decision win sa kanilang ten-round, non-title fight mula sa kanyang 97-93, 96-94 at 96-94 puntos bilang bahagi ng undercard ng Nietes-Fuentes championship bout.

 

BOOM BOOM

CEBU CITY

DONNIE AHAS

EL CUATE

FUENTES

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MALL OF ASIA ARENA

NIETES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with