Bradley hahabulin ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Hindi na lingid sa kaalaman ni Timothy Bradley ang mithiin ni Manny Pacquiao na mapabagsak siya sa kanilang rematch sa Abril 12.
Kaya naman naniniwala si Pacquiao na tatakbuhan siya ni Bradley sa gabi ng kanilang laban at inaasahang hindi ito makikipagsabayan sa kanya.
Sa conference call, sinabi ni Pacquiao na inaasahan niyang magiging maingat si Bradley at hindi makikipagpalitan ng suntok sa kanya.
Handa siyang habulin ang American, kasalukuyang hawak ang WBO welterweight title.
“I do not think Bradley will fight toe-to-toe with me either, so I will have to hunt him down. I am prepared for that,†wika ng fighting congressman.
Maganda ang inilalaro ni Bradley kapag dumidistansya siya sa kanyang kalaban at umiiwas na makipagsabayan.
Ang huling pagkakataon na naki-pagpalitan siya ng suntok ay nang mapatumba siya ni Ruslan Provodnikov sa 12th round ng kanilang laban noong Marso ng 2013.
Ngunit naitakas pa rin ni Bradley ang isang unanimous decision kontra kay Provodnikov kagaya ng kanyang ginawa kay Pacquiao noong 2012.
Sinabi ni Pacquiao na hindi na niya ito hahayaang muling mangyari sa kanilang rematch at hahanap siya ng pagkakataon para mapatulog si Bradley.
“I am not going for a knockout but if the opportunity presents itself, I am going to go for it this time. Bradley’s talk that I am no longer hungry has inspired me throughout this training camp,†wika ni Pacquiao.
Gusto rin ni Freddie Roach na habulin ni Pacquiao si Bradley.
“As Freddie Roach keeps saying eve-ry day in training, ‘No Mercy,’†wika ni Pacquiao.
- Latest