^

PM Sports

Martinez tumanggap ng tseke mula sa SM Foundation, Inc.

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating na kahapon si Olympic figure skater Michael Christian Marti­nez matapos ang pagsabak sa nakaraang 2014 Win­ter Games sa Sochi, Russia.

Kaagad na binisita ng 17-anyos na si Martinez ang SM Mall of Asia sa Pasay City kung saan siya nagsimula bilang isang ba­tang aspirante.

Siya ang kauna-una­hang figure skater sa South­east Asia na naka­paglaro sa Winter Olympic Games.

Umakyat si Martinez sa No. 19 overall sa men’s singles mula sa pagiging No. 30.

Sa kanyang pagda­ting ay tumanggap ang Olympian ng mga regalo at sorpresa.

Nagbigay si SM Prime Holdings, Inc. Pre­sident Hans Sy kay Martinez ng tsekeng $10,000 (P450,000) mula sa SM Foundation, Inc.

Tumanggap din si Mar­tinez sa SM ng isang Lifetime Skating Privilege para sa libre niyang pag­gamit sa anumang ska­ting rinks ng SM bukod pa sa isang Global Pi­noy Card.

Maliban sa SM, nakatanggap din si Martinez ng mga gift certificates at cash cards buhat sa The SM Store, SM Supermarket at China Ban­king Corporation at isang free three-day/ two-night accommodation sa Taal Vis­ta Hotel.

Nakatakdang ipakita ni Martinez ngayong alas-4 ng hapon ang kanyang pamatay na porma sa SM Southmall.

Bukas ay makikita naman si Martinez sa Mall of Asia sa ganap na alas-12 ng tanghali at sa alas-4 ng hapon sa SM Megamall.

Sa Marso 10-16 ay la­lahok si Martinez sa World Junior Figure Ska­ting Championships sa Sofia, Bulgaria.

Siya ay No. 5 overall no­ong 2013 sa naturang tor­neo.

Hangad ni Martinez na makapag-uwi ng medalya sa nasabing torneo matapos ang kanyang ginawang pagsasanay at eksperyensa sa 2014 Winter Olympics.

Matapos ito ay magsasanay si Martinez sa Uni­ted States para sa Grand Prix of Figure Skating Championships series na nakatakda sa Agosto.

Sa kanyang murang edad ay nakikita si Martinez sa SM Southmall sa Las Piñas at sa SM Mall of Asia para sa mga figure skating competitions.

vuukle comment

CHINA BAN

GLOBAL PI

GRAND PRIX OF FIGURE SKATING CHAMPIONSHIPS

HANS SY

LAS PI

LIFETIME SKATING PRIVILEGE

MALL OF ASIA

MARTINEZ

MICHAEL CHRISTIAN MARTI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with