^

PM Sports

Bagong milyonaryo hanap sa 6/42 at 6/49 draw

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maghahanap uli ng bagong milyonaryo sa larangan ng 6/42 at 6/49 lotto draws sa gaganaping bolahan ngayong gabi.

Inaasahang nasa P24 milyon na ngayon ang magiging jackpot prize sa 6/42 matapos makaligtas ang premyong pinaglabanan noong Martes na nasa P21,111,124.00.

Ang lumabas na kumbinasyon sa draw na ito ay 21-38-35-15-39-10.

Noon pang Oktubre 5 huling may sinuwerte na tumatangkilik sa 6/42 nang dalawang mana-naya ang tumama sa lumabas na 1-6-11-13-23-31 para paghatian ang P60,181,596.00 premyo.

Nasa P16M na inisyal na jackpot prize ang nakataya sa super lotto 6/49 sa ikalawang sunod na draw.

Noong Linggo ay tinamaan ng isang mapalad na mananaya ang P36,584,624.00 premyo  sa kumbinasyong 3-9-12-17-30-40 habang walang nakahuli sa lumabas na 1-4-21-24-35-49 noong Martes.

Ang pinakamainit na lotto draw ngayon ay ang Grand Lotto 6/55 dahil mahigit P100 milyon na ang perang pinaglalabanan dito.

Sa huling draw noong Lunes ay pumalo sa P100,308,308.00 ang jackpot prize. Kung may makakakuha sa jackpot prize ay nalaman matapos ang bola ng 6/55 kagabi.

vuukle comment

DRAW

GRAND LOTTO

INAASAHANG

JACKPOT

LOTTO

MAGHAHANAP

NOONG

NOONG LINGGO

OKTUBRE

PRIZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with