Rose nagpasiklab sa United Center
CHICAGO – Naging matagumpay ang pagbabalik ni Derrick Rose sa United Center, kung saan siya nagtamo ng ACL injury noong April 28, 2012 nitong Miyerkules ng gabi.
Ang dating Most Valuable Player at three-time All-Star ay umiskor ng 22 points sa 22 minutes na paglalaro at magaang tinalo ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 96-81.
Ang 25-gulang na si Rose ay hindi nakalaro sa buong 2012-13 season dahil kinailangan niyang magpa-opera, mag-rehabilitate at magpakondisyon matapos magtamo ng career-threatening injury.
Umabot sa 17 buwan ang kanyang pagkawala kaya maraming fans ang nag-alala habang laging nagtatanong ang media kung kailan talaga siya makakabalik.
Ngunit nang tumapak si Rose sa court nang ipakilala ang mga players, naglaho ang lahat ng pagdududa dahil marami pa ring fans ang sumusuporta sa kanya na nagbigay sa kanya ng standing ovation.
Sinuklian niya ito ng eksplosibong performance na nagpakitang may pag-asa ang prangkisa na manalo ng NBA title.
Nagtala ito ng 2-of-3 field goals at tatlong free-throws para isulong ang Bulls sa 24-16 kalamangan. Tumapos siya sa first half na may 18-points bago tuluyang lumayo ang inspiradong Chicago sa 55-34.
Sunud-sunud ang iskor ni Rose at pagsapit ng 4:05 minuto ng third quarter, inilibas siya ni head coach Tom Thibodeau at hindi na bumalik pa ngunit lamang na ang Bulls sa 67-43.
“I surprised myself some, going to the lane, getting guys on their heels and really playing through contact. Even though I’m getting hit, I’m finding ways to get through it,â€sabi ni Rose.
Ang 6-foot-3, 195-pound na si Rose ay may 6-of-9 field goals, 1-of-2 threes at 9-of-10 free throws. Nakitaan siya ng pangangalawang na inaasahan naman ng marami matapos matengga ng matagal ngunit maganda pa rin ang kanyang ipinakita sa kabuuan. Mahusay pa rin siyang mag-driving, mag-assists, mag-picking-and-roll at takasan ang mga defenders.
- Latest