^

PM Sports

Panalo pa rin ang Texters Kahit kulang ng 4-players

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t pinagbakas-yon ang apat sa kanilang mahahalagang players na miyembro ng Gilas Pilipinas, hindi nagpatalo ang Tropang Texters.

Mula sa 16-point deficit sa third period, niresbakan ng Talk ‘N Text ang Barako Bull sa overtime tungo sa118-113 panalo  sa pagpapatuloy ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We expect them to be back after three to four games,” ani coach Norman Black sa mga Gilas Pilipinas members na sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo at Larry Fonacier.

Itinala ng Energy ang 16-point advantage, 70-54 sa kaagahan ng third quarter bago magpakawala ang Tropang Texters ng 21-0 atake sa likod nina balik-import Tony Mitchell, Aaron Aban at Sean Anthony para ibigay ang 75-70 bentahe sa 3:58 minuto.

Matapos kunin ng Talk ‘N Text ang 95-86 bentahe sa 6:09 ng final canto kumamada naman sina import Michael Singletary, Mark Macapagal at Mick Pennisi para akayin ang Barako Bull sa overtime, 101-101.

Sa extra period, nagtuwang sina Mitchell at Anthony para ilayo ang Tropang Texters sa 114-104 sa huling 48.5 segundo.

Nakatakda namang pag-awaan ng nagdedepensang Rain or Shine at Globalport ang liderato sa kanilang banggaan nga-yong alas-3:45 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa ikalawang laro, parehong magpipilit na maka-bawi sa kabiguan ang San Mig Coffee at ang Air21 sa kanilang pang alas-6 ng gabing banggaan.

 

AARON ABAN

ANTIPOLO CITY

BARAKO BULL

GILAS PILIPINAS

JAYSON CASTRO

JIMMY ALAPAG

LARRY FONACIER

MARK MACAPAGAL

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with