^

PM Sports

It’s June Again nakalusot laban sa My Big Osh

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalad na naunang inilusot ang ulo ng It’s June Again upang manalo pa sa Metro Turf Club na siyang pu­nong-abala ng karera noong Biyernes ng gabi.

Humabol ang nasabing kabayo mula sa malayong pang-limang puwesto sa kalagitnaan ng karera at inabot sa meta ang rumemate ring My Big Osh.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng It’s June Again at ikatlo sa huling apat na takbo sa race track at ang forecast ay nagbigay pa ng P31.00 sa 6-4 kumbi­nasyon.

Matatapos ang anim na araw na pista ngayong ha­pon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa paglarga ng 13 balansiyadong karera.

Isa sa mga pagtutuunan ay ang race 5 para sa mga ka­bayong nasa class division 7 at 8 at nilahukan ito ng 12 kabayo.

Mangunguna sa tatakbo ay ang Coal Harbour  na may tatlong sunod na panalo at ang huli ay naitala no­ong Hunyo 22 sa nasabing racetrack.

Isa sa hahamon sa kabayong dala ni JA Guce ay ang Power Factor na sasakyan ni LT Cuadra at binigyan ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kilos.

Talunan ang kabayo sa Coal Harbour sa huling ka­rera.

Isa ring palaban ay ang Hot na gagabayan ni Jessie Gu­ce.

 

COAL HARBOUR

ISA

JESSIE GU

JUNE AGAIN

METRO TURF CLUB

MY BIG OSH

POWER FACTOR

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with