^

PM Sports

Petecio umiskor ng ginto sa China Open

Pang-masa

GUIYANG, China – Isang gold, dalawang silver at isang bronze medals ang inangkin ng PLDT-ABAP national boxing team mula sa kanilang kam­panya sa katatapos na Chi­na Open sa Guizhou gym.

Ang gintong medalya ay nagmula kay five-foot-three Nesthy Petecio ma­tapos umiskor ng isang una­nimous decision win laban sa 5’11 na si New Zea­land fighter Alexis Pri­tchard sa finals ng wo­men’s light weight division.

Natalo naman si Josie Gabuco kay Chinese bo­xer Xu Shiqi para sa pilak na medalya ng 26-anyos na tubong Palawan.

Bago matalo kay Xu ay sinibak muna ni Ga­buco si 2012 London Olym­pics silver medalist at three-time world champion na si Ren Cancan.

Ang isa pang pilak ay nanggaling kay Junel Can­tancio na natalo kay Via­cheslav Supinov ng Rus­­sia.

Nauna nang inangkin ni 2012 London Olympian Mark Anthony Barriga ang tanso nang mabi­go sa kanyang semifinals match.

Pinuri ni ABAP president Ricky Var­gas ang naturang mga bok­singero.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Rol­dan Boncales (flyweight), Nico Magliquian (ban­tamweight) at Dennis Galvan (light welterweight).

Ang mga tumayong coa­ches ay sina Pat Gaspi, Ro­el Velasco at Elias Recaido Jr.

Sa kabuuan ng torneo ay humakot ang China ng pitong gold medals ka­su­nod ang Kazakhstan (2) at Russia (2).

ALEXIS PRI

DENNIS GALVAN

ELIAS RECAIDO JR.

JOSIE GABUCO

JUNEL CAN

LONDON OLYM

LONDON OLYMPIAN MARK ANTHONY BARRIGA

NESTHY PETECIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with