Kaanak at bodyguard ng Urdaneta mayor, tiklo sa droga
MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation ang kaanak at bodyguard ni Urdaneta City Mayor Julio “Rammy” Parayno.
Kinilala ang mga suspek na pinsan umano ni Mayor Parayno na si Beverly De Vera Parayno, 45, walang trabaho, residente ng Barangay Bayaoas, Urdaneta City, Pangasinan at lover na si Romeo Nabalon Emboltorio, 63, body guard umano ng mayor, residente ng Barangay San Jose; at isang Louie Reyes Fermin, aka “Bobby”, 37, residente ng Brgy. Bonuan Gueset Dagupan City, Pangasinan.
Nakuha mula sa mga suspek ang 6 na gramo ng shabu na may street value na P40,800 na nakasilid sa 7 piraso ng heat-sealed plastic sachet nang mahuli nitong Pebrero 10, 2025 sa Brgy. Bonuan Gueset Dagupan City, Pangasinan.
Nasamsam din sa mga suspek ang ginamit na pera sa buy-bust at mga baril at bala.
- Latest