Alaska ‘di mapigilan
MANILA, Philippines - Bagamat no-bearing game at wala ang mga injured key players na sina Cyrus Baguio at Sonny Thoss, tinapos pa rin ng Alaska ang kampanya nito sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng come-from-behind 93-92 panalo kontra sa kulelat na Globalport kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sigurado nang magtatapos na No. 1 sa elims at may twice-to-beat advantage sa quarterfinals bago pa man magsimula ang laro, hindi pa rin nagpaubaya ang Aces bagamat nilamangan ng Globalport ng umabot sa 15 puntos sa third quarter para itala ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at pang-11 sa kanilang kabuuang 14 laro sa elims.
“No bearing, no Cyrus and no Sonny, the focus wasn’t there at first but we’ll take it. A win is a win,†pahayag ni Alaska head coach Luigi Trillo pagkatapos ng laro.
Nagbida ang 18 puntos, walong rebounds at limang assists ni Robert Dozier at ang double-doubles nina rookie Calvin Abueva (17 points, 14 rebounds) at Jvee Casio (11 points, 11 assists) para sa Aces na nakabalik sa laro sa pamamagitan ng pag-outscore sa Globalport, 30-5 sa isang sampung minutong stretch sa se-cond half.
Samantala, pipiliting lumapit ng Petron Blaze sa isang twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pakikipagharap nito kontra sa Air21 na hangad naman ang playoff para sa isang quarterfinals berth sa ikalawang laro ng doubleheader ngayon sa SM Mall of Asia Arena.
Maghaharap ang Boosters at Express sa ika-5:45 ng hapon na susundan naman ng bakbakang Meralco at San Mig Coffee sa ganap na ika-8 ng gabi.
May 7-5 na panalo-talo karta ang Petron Blaze, isang laro lamang sa likod ng 8-4 ng Rain or Shine samantalang may 5-8 record naman ang Air21.
- Latest