^

PM Sports

Beermen, Hotshots basagan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-aagawan ang magkapatid na San Miguel Beer at Magnolia para sa liderato ng 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum bago ang isang linggong pahinga ng liga para sa Semana Santa.

Nakatakda ang duwelo sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng laban sa pagitan ng Commissioner’s Cup semifinalists na NorthPort (1-0) at Rain or Shine (0-1).

Parehong nalaglag nang maaga sa Comm’s Cup ang Beermen at Hotshots kaya ibinubuhos ang galit sa All-Filipino tournament hawak ang parehong 2-0 kartada sa tuktok ng standings.

Isa lang ang matitirang walang galos pagkatapos ng bakbakan nila para sa solo liderato papalapit sa kalagitnaan ng torneo.

Wala pang dikit na laban ang Beermen at Hotshots matapos tambakan ang mga una nilang katapat kabilang na ang reig­ning champion na Meralco Bolts sa kanilang finals rematch noong nakaraang Miyerkules kasabay ng pagdiriwang ng PBA ng ika-50 anibersaryo nito.

Sa pangunguna ni 8-time PBA MVP June Mar Fajardo na siyang isa sa pinakabagong mi­yembro ng PBA 50 Grea­test Players ay kinaldag ng Beermen ang Bolts, 110-98, suot ang kanilang retro jerseys matapos ding dominahin ang NLEX Road Warriors, 98-89.

Ganito din ang gina­wang dominasyon ng Hotshots na pinulutan ang Blackwater Bossing, 106-84, at Converge, 83-71.

Nakahanda para sa tropa ni coach Chito Victolero upang pigilan si Fajardo at ang Beermen ay sina Ian Sangalang at rising star na si Zavier Lucero kasama sina Russel Escoto, Calvin Abueva, Mark Barroca, Paul Lee, Jerom Lastimosa at Rome dela Rosa.

Aalalay naman kay Fajardo sina CJ Perez, Marcio Lassiter, Juami Tiongson, Don Trollano, Rodney Brondial, Jeron Teng at Don Trollano para sa mga bataan ni coach Leo Austria.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with