^

PM Sports

Anytime Anywhere pabida sa 3YO Maiden Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Anytime Anywhere ang husay sa ka­rerahan matapos ilam­pa­so ang mga nakatunggali sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Ta­nauan City, Batangas noong Martes ng gabi.

Paglabas ng aparato ay sinunggaban agad ng Anytime Anywhere ang unahan, habang sinundan ito ng Robotic Clay at dahil mabilis ang ere ng dalawa ay nakalamang sila ng walong kabayo sa ibang mga katunggali.

Papalapit ng far turn ay unti-unting iniwan ng Anytime Anywhere ang Robotic Clay sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Papasok ng huling kurbada ay nasa anim na ka­bayo na ang lamang ng Anytime Anywhere sa Robotic Clay kaya naman sa rektahan ay halos wala nang gustong lumapit sa winning horse.

Walang kahirap-hirap na tinawid ng Anytime Any­where ang finish line at nakaungos ito ng mahi­git 10 kabayo sa pumanga­lawang Super Dancer, pangatlo ang Robotic Clay at pang-apat ang Dress To Win.

Ginabayan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee John Alvin Guce, inirehistro ng Anytime Anywhere ang tiyempong 1:24 minuto sa 1,400 meter race.

Kinubra ni winning horse owner Patrick Uy ang P15,000 added prize, nakopo naman ng bree­der ng nanalong kabayo ang P4,500 at P1,000 at P500.00 ang ibi­nigay sa se­cond at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pitong ra­ces ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya sulit din ang pangangarera ng mga apisyonado.

 

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with