^

PM Sports

El Libertador dapat tutukan sa Prieto Cup

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisikaping patunayan ng El Libertador na isa siya sa dapat na tutukan sa taong ito sa pagtakbo sa Leopoldo 'Leo' Prieto III sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas sa Linggo.

Ito ay isa sa dalawang Prieto Cup na magpapakinang sa pagtatapos ng isang linggong pista sa bagong karerahan at ang mga ito ay sinahugan ng tig-P600,000.00 kabuuang premyo ng nagtataguyod na Philippine Racing Commission (Philracom).

Pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na siya ring may-ari ng Hagdang Bato na itinalagang 2012 Horse of the Year, ang El Libertador na sakay ni jockey Kevin Abobo ay sariwa sa banderang-tapos na panalo sa PCSO Special Maiden Race noong Enero 26 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Sa 1,200m naghari ang nasabing kabayo at  masusukat ito sa karera dahil ang tagisan ay nasa isang milyang distansya (1,600m).

Bukod ito sa paglahok ng mga beteranong kabayo na Naga, Senor Vito at coupled entries Borja Kahlifa at Captain Ball.

Ang Crusader, Don Albertini at Right Direction ang kukumpleto sa mga kasali.

Anim na kabayo ngunit lima ang opisyal na bilang ang magsusukatan sa Prieto (II) na bukas para sa mga fillies.

Kasali rito ang Cat’s Silver, Five Star, Humble Submission at stablemate Sparkling Rule, Pyjama Strikes at Top Story.

Ang mga mananalo sa dalawang stakes races na nabanggit ay magbibitbit ng P300,000.00 gantimpala habang P15,000.00 ang breeder ng nanalong kabayo.

May P112,500.00 ang papangalawa, P62,500.00 ang papangatlo at P25,000.00 ang kukumpleto sa datingan.

Kasama sa itatakbo sa Linggo ay ang Araw ng Mandaluyong Ra-cing Festival na gagawin katuwang ang Klub Don Juan.

Ang malaking karerang sakop ng Festival ay ang San Miguel Beer Trophy race at SM Supermalls Trophy Race na kung saan ang kikitain ng karera ay ibibigay sa Gawad Kalinga at Reach Foundation.

Ang SMB race ay may premyong P400.000.00 habang P300,000.00 ang paglalabanan sa SM race.

Walong iba pang karera ang sinahugan ng added prize na P30,000.00 sa mananalo para makatiyak na palaban ang lahat ng mga tatakbong kabayo.

vuukle comment

ANG CRUSADER

BORJA KAHLIFA

CAPTAIN BALL

DON ALBERTINI

EL LIBERTADOR

FIVE STAR

GAWAD KALINGA

HAGDANG BATO

HORSE OF THE YEAR

HUMBLE SUBMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with