^

PM Sports

Walang UAAP games sa panahon ng FIBA-Asia

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang pagbibigay da-an sa pagho-host ng bansa sa Fiba-Asia championships, sususpindihin ng UAAP ang kanilang Season 76 basketball games habang idinaraos ang Asian qualifier simula sa Agosto 1 hanggang 11.

“There will be no UAAP basketball games on Aug. 1-11,” sabi ni board member Luisa Isip ng Adamson University na host ng susunod na season.

Ito ang naging desis-yon ng UAAP board bilang tugon sa request ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nauna nang hiniling ni   SBP president Manny V. Pangilinan sa collegiate leagues na wala munang laro kapag idinaraos ang FIBA-Asia upang mabigyan ng focus ang torneo na iho-host ng bansa sa unang pagkakataon matapos ang 40-taon.

Karamihan sa mga laro ay gagawin sa Mall of Asia Arena na pinagdarausan din ng ilang UAAP games.

Base sa regular na  Thursday-Saturday-Sunday schedule ng UAAP na magsisimula sa July, tinatayang anim na laro ang  tatamaan sa pagdaraos ng torneo na qualifier para sa Fiba World Cup.

Wala pang desisyon ang NCAA ukol sa kahi-lingan ng SBP.

Samantala, sa inaasahang blockbuster Ateneo versus La Salle women’s volleyball game nitong weekend, ililipat ang laban sa mas malaking venue sa MOA Arena na gagawin sa Feb. 9.

ADAMSON UNIVERSITY

AGOSTO

ATENEO

BILANG

FIBA WORLD CUP

LA SALLE

LUISA ISIP

MALL OF ASIA ARENA

MANNY V

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with